Ni REGGEE BONOAN

“HUWAG mong bigyan ng katwiran ang kalandian mo!”

Ito ang tumatak na dialogue sa pelikulang The Significant Other na mapapanood simula Pebrero 21 produced ng Cineko Productions at Star Cinema.

Dina copy copy

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya tinanong ang mga babae sa pelikula na sina Ms. Dina Bonnevie at Snooky Serna kung may nasabihan na sila ng ganito.

“Ay, wala,” sagot ni Snooky, “wala naman akong nasabihan ng ganyan, hindi naman ako umabot sa ganyan.”

Nagkatawanan ang lahat sa sagot ni Ms. D: “Hindi yata, kasi Tagalog ‘yan, alam mo naman ako inglisera ako.” 

Totoo naman, dahil simula’t sapul ay ingliserang kolehiyala ang imahe ni Dina, kaya naman andaming sikat na mga aktor na umaligid-aligid sa kanya noon at ang pumasa sa kanila ay si Alfie Anido (SLN) na inglisero naman at suplado ang image pagpasok sa showbiz.

“Para sa akin kasi, if the guy is taken, don’t give me that excuse na ‘nagmahal ako, wala akong ginawang mali’ that’s a lot of BS,” dugtong ni Dina.

Hindi niya itinanggi na may nakarelasyon siya noon na na-involve sa ibang babae pero hindi siya bumaba sa level ng kaliweteng babae.

“The worst thing na nagawa ko was alam kong nandoon ‘yung isa and having dinner with _____ (boyfriend) and I just walked and said, ‘Hi, sorry I’m late for the date!’

“Kaya siguro naloka ‘yung isa kasi may usapan pala kami ‘tapos nandoon siya, wala lang, eksena lang ‘tapos umalis na ako,” natatawang pagbabalik-tanaw ni Dina.

May nagsumbong daw kay Dina na may ka-date ang boyfriend niya noon kaya agad siyang bumili ng bagong damit at saka pumunta sa restaurant na kinaroroonan ng dalawa.

Kaya palaging pinapasok sa mga sinehan ang mga pelikulang love triangle ang kuwento, tulad ng pinakabagong The Significant Other na pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Tom Rodriguez at Lovi Poe mula sa direksiyon ni Joel Lamangan. 

Hindi na kasi bago sa lahat ang temang ito kaya marami ang nakaka-relate.

Maligaya si Dina ngayon sa piling ng asawa niya na si Rep. Deogracias Victor Savellano ng 1st District ng Ilocos Sur.