Ni LITO T. MAÑAGO

UMAALAGWA ang showbiz career ng boyfriend ni Maxine Medina, former Miss Universe Philippines 2017, na si Marx Topacio.

Huli siyang napanood sa Encantadia pero bago ito ay napanood na rin siya sa mga serye ng ABS-CBN tulad ng Doble Kara at marami pang iba at aminado siyang nagi-enjoy na siya sa pagiging aktor.

“Since nagi-enjoy na ako sa industry, sa akting, gusto ko na talaga itong i-pursue. Actually, willing nga akong mag-workshops para mas lumalim pa ang acting skills ko. Everytime na meron akong nakakausap na direktor, actor o actress, nagtatanong talaga ako kung paano nila nagagawa ‘yung ganu’n mga bagay, so, ipo-push ko na talaga ito,” pagtatapat ng boyfriend ng controversial na Bb. Pilipinas beauty queen.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Nahirang si Marx bilang Top Male Model of the Philippines nu’ng 2016 sa Asia Model Festival at habang naghihintay ng next TV project, busy muna ang model-turned-actor sa pagrampa, video at photo shoots.

Pitong taon na ang relasyon nila ni Maxine at sabi ni Marx, going-strong ito sa kabila ng busy schedules nila at wala pa silang plano to settle down.

“Bakit ba laging itinatanong ‘yan? Tanungin n’yo ako next year, baka may sagot na ako. Wala pa kami du’n,” nakangiting pahayag ni Marx.

Ano ba ang sekreto ng tumagal na relasyon nila?

“Siguro wala,” pakli ng 30-year model. “Ang maganda sa amin, nagsimula kami bilang magkaibigan. So nu’ng naging kami, kailangang laging may time pa rin. Ako kasi, kapag nagkita kami, kailangang mag-usap.”

“Kung may mga hindi ako masabi sa mga magulang ko, kaibigan ko, sa kanya ko sinasabi.So, wala talaga kaming itinatago, kaya ‘yun, dahil open kami sa isa’t isa, tumagal kami,” kuwento ni Marx nang makausap namin sa video shoot ng Yazz Prepaid Card ng Metrobank Card Corportation, Inc. (MCC) sa Parallax Studio sa Makati. 

Natutuwa si Marx sa tiwala ng MCC at Yazz Prepaid Card sa kanya at aniya, pagsisikapan niyang masuklian ang tiwala ito ng kumpanya.

“So honored to be endorsing this product,” pagmamalaki ni Marx. “It’s a prepaid card slash debit card. Bagay ito sa mga low-consumer people who can’t afford to have a credit card. You only have to present one valid ID and then meron ka ng prepaid card.”

Bukod kay Marx, ipakikilala rin sina Cacai Bautista, John Spainhour (former Mr. World Philippines), Marcus Mababangloob at reigning Miss Eco-Philippines International Cynthia Thomalla bilang endorsers ng Yazz Prepaid Card.