Ni Mina Navarro

Mahigpit na ibinabala ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Isidro Lapeña sa kanyang mga opisyal na kaagad sisibakin sa kani-kanilang puwesto kung mabibigo sa target na koleksiyon sa buwis.

“I would like to reiterate that the ports who fail to meet their January and February target, the collectors, the deputy collectors for assessment and the appraisers of the port concerned will be relieved,” pahayag ni Lapeña.

Ito ay matapos na mabigo ang limang port na makuha ang kanilang mga target sa koleksiyon nitong Enero, kabilang ang Port of Manila, Manila International Container Port (MICP), Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Port of Batangas, at Port of Zamboanga.

National

‘Pinas, muling magpoprotesta sa pag-atake ng China sa WPS

“I cannot afford another month to experiment. I have to choose better collectors to man those ports,” “diin nito.

Samantala, kinilala ng opisyal ang 12 port na naabot ang target na koleksiyon sa buwis nitong Enero.