Ni JIMI ESCALA

NATUWA si Aga Muhlach nang malaman na isa siya sa mga nominado for best actor sa PMPC Star Awards for Movies na gaganapin ang awarding rites sa February 18 sa Resorts World.

aGA copy copy

Super excited si Aga dahil after ng ilang taong pamamahinga sa paggawa ng pelikula ay nominated agad siya sa pelikula nilang Seven Sundays under Star Cinema.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ilang taon ding nag-concentrate si Aga sa show niya sa TV5 at mas matagal sa kanyang mga negosyo lalo na sa art trading at sa pagbabalik-pelikula niya ay first time siyang naidirek ng mahusay na si Direk Cathy Garcia-Molina.

Sa naturang pelikula rin niya unang nakatrabaho sina Dingdong Dantes, Enrique Gil at Cristine Reyes at lahat sila nagpakita ng kahusayan sa nasabing pelikula.

Bukod kina Aga at Dingdong, nominado rin para sa best actor sina Raymond Francisco(Bhoy Intsik), Joshua Garcia (I Love You to the Stars and Back), Jojit Lorenzo (Changing Partners), Robin Padilla (Unexpectedly Yours),Piolo Pascual (Last Night), Derek Ramsay (All of You), Jericho Rosales (Siargao), at Vice Sotto (Meant To Be).

Bukod sa best actor derby ay exciting din ang labanan sa best actress nina Iza Calzado(Bliss), Kim Chiu (The Ghost Bride), Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours), Alessandra de Rossi (Kita Kita), Agot Isidro (Changing Partners), Bela Padilla (100 Tula Para Kay Estella) at si Maja Salvador sa pelikula namangSiargao.

Nominado rin bilang pinakamahusay na aktres sina Jennylyn Mercado (All of You) at siJoanna Ampil sa pelikula namang Larawan.

Magsisilbing host ng awards night sina Judy Ann Santos, Kim Chiu, Julia Barretoo, Xian Lim at Enchong Dee at anchor naman si Iza Calzado. Performers sina Jona, Mark Santos, JBK, Neil Perez, Zeus, Collins, Tanner Mata, Jameson Blake, Maris Racal, Loisa Andalio, Grae Fernandez, AC Bonifacio at Louise delos Reyes.

For the first time ay mapapanood ang awards night sa tanghali bago ang ASAP sa ABS-CBN sa March 18.