Ni Nonoy E. Lacson 

ZAMBOANGA CITY - Napatay ng tropa ng pamahalaan ang limang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) at pinaniniwalaang nasugatan pa ang ilang kasamahan ng mga ito sa isang engkuwentro sa Sulu, nitong Linggo ng madaling-araw.

Inilahad ni Joint Task Force-Sulu commander Brig. Gen. Cirilito Sobejana na dakong 4:15 ng umaga nang maispatan ng mga tauhan ng Marine Battalion Landing Team 3 ang aabot sa 30 miyembro ng Abu Sayyaf sa Sitio Bud Bawis sa Panamao, Sulu.

Dahil na rin sa malakas na puwersa ng militar, umatras sa bakbakan ang mga bandido at nang lumiwanag na ay nadiskubre nila ang limang bangkay.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nakumpiska sa lugar ang isang M14 rifle at iba pang gamit ng mga ito.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng hot pursuit operations ang mga militar laban sa Abu Sayyaf, ayon kay Sobejana.