Sen. Kiko at Sharon copy

Ni NITZ MIRALLES

IPINOST ni Sharon Cuneta ang video na kuha kay Helen Gamboa habang pinapanood sa celfone ang McDo TVC ng megastar at ni Gabby Concepcion. Umiiyak si Helen pati mga kasama sa bahay.

 

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May lungkot din ang post ni Sharon at may panghihinayang ang fans nila ni Gabby sa kanyang binuking.

  

“Ano ba naman ang TVC na ito?!!! Pati Mama Helen ko napahagulgol! Siyempre she was there from the very beginning...

Mama may I remind you when we broke up the first time when I was 16 and lived with you in White Plains for a while he came pala several times and you dind’t let him in and you didn’t tell me! And you keep all his letters! I had no idea! I found out hiwalay na kami at may anak na! Hahahahaha! Awwww. 

Mama ko... itchokey... he is happy na and me ren, so please stop na crying. Stop watching it over and over and over! Ciara!!! Don’t give her na the phone! Hahahaha! Jusko pati lahat ng Gamboa kong Tita at clan ay nabulabog. First time in our history ito, ano ba ‘yan! Hahahaha!”

 

Nagpasalamat din si Sharon sa mga nag-like at nanood ng video dahil in under four hours may over a million views na ang TVC and counting.

Nagpasalamat si Sharon... at in-assure ang mga nagtatanong na hindi isyu kay Sen. Kiko Pangilinan ang McDo endorsement nila ni Gabby. Ipinost tuloy niya ang pagko-congratulate ni Sen. Kiko sa best actress nomination niya for Unexpectedly Yours at sa McDo TVC.

 “Congratulations on your nomination for Best Actress in this year’s STAR Awards and on the highly successful McDo commercial launch, Sweetheart! Hallelujah! God is good.

You have my 110 percent all out support and admiration! Wonderful! Bravo!!!” 

Sinagot ito ng Sharon ng, “Thank you, Sutart! Napaka-secure at supportive na mister.”

Dahil puwede nang magsama sina Sharon at Gabby, tiyak na pelikula na ang kasunod nito at sabi naman ni Gabby sa TV interview, “I hope this is the start of something different. Ilang taon din kaming hindi nagkasama sa project.”