(photo from MPBL)
(photo from MPBL)
KAPWA naalpasan ng Quezon City at Batangas City ang hamon ng mga karibal para manatili sa liderato ng MPBL-Anta Rajah Cup nitong Sabado sa City of Imus Sports Complex.

Ang Quezon City na may monicker na The Capitals, ay sumandal sa isang solidong laro buhat sa pambato nitong si Jessie Collado, upang pataobin ang matikas na koponan ng Navotas Clutch, 87-78, na nagresulta ng isang makapigil-hiningang labanan.

Tumabo si Collado ng kabuuang 16 puntos at league-high 19 rebounds kasama pa ang apat na kasangga upang balikatin ang tropa ng QC na pinangangasiwaan ni coach Vis Valencia.

“Si Kuya J (Collado), that’s why I call him, yung production niya, talagang quality. Malaki ang puso niya para sa team,” ani Valencia, kung saan hawak ng koponan nila ngayon ang 3-0 lead kasama ang Batangas Cty sa liderato.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sa ikalawang laro, pinahiya ng Batangas Athletics ang host team na Imus Bandera-GLC Truck and Equipment, 74-56.

Binalikat ng ex-PBA player Lester Alvarez sa kanyang 24 puntos ang Batangas, umarya sa 70-46 kalamangan sa huling 4:54 ng labanan.

Kumana si Ian Melencio ng 16 puntos para sa Imus. - Annie Abad