Suportado ni Bicycology shop owner at Olympian Eric Buhain (kanan) at business partner na si John Garcia ang kampanya ng Philippine Army-Bicycology team sa 2018 LBC Ronda Pilipinas.
Suportado ni Bicycology shop owner at Olympian Eric Buhain (kanan) at business partner na si John Garcia ang kampanya ng Philippine Army-Bicycology team sa 2018 LBC Ronda Pilipinas.

HINDI mapapantayan ng anumang halaga at parangal ang sakripisyo ng kasundaluhan para masawata ang anumang uri ng banta sa kapayapaan.

At mula sa pakikibaka, dala ng Philippine Army-Bicycology cycling team ang dangal ng kanilang mga ‘mistah’ para sa ibang aspeto ng pakikipaglaban, ngunit kaakibat pa rin ang karangalan at dangal sa 2018 LBC Ronda Pilipinas.

Handa at determinado ang Philippine Army Bicycology cycling team na binubuo nina three-time Southeast Asian Games champion Sgt. Alfie Catalan, Tour veteran Pfc. Cris Joven, Sgt. Merculio Ramos, Jr., Pfc. Marvin Tapic, Sgt. Alvin Benosa, Sgt. Reynaldo Navarro, Cpl. Lord Anthony Del Rosario at Pfc. Kenneth Solis.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

"Our countrymen supported them while trying to defend our democracy, and we wholeheartedly back them up now as they display anew the Filipino soldiers' resilience and bravery in any kind of challenges," pahayag ni SEA Games champion swimmer and cycling enthusiast Eric Buhain.

Hindi kaila kay Buhain ang damdamin nang nakikibaka matapos pangunahan ang mga pagsusulong sa karapatan ng mga tulad niyang atleta, at sa pakikipagtulungan ng kanyang business partner na si John Garcia ng Bicycology shop, handa silang ipagkaloob ang suporta na kinakailangan ng Team Army para sa katuparan nang kanilang adhikain na mangibabaw sa tainang torneo laban sa pinakamatitikas na siklista sa bansa.

"We want our countrymen see the other side of our heroes, and let's support them as they soldier on in one of the toughest sporting events we have. This early, I, my partner John Garcia and the Bicycology Shop salute Sgt. Alfie Catalan, Tour veteran Pfc. Cris Joven, Sgt. Merculio Ramos, Jr., Pfc. Marvin Tapic, Sgt. Alvin Benosa, Sgt. Reynaldo Navarro, Cpl. Lord Anthony Del Rosario and Pfc. Kenneth Solis,” sambit ni Buhain.

Sa pangunguna ni team captain Joven, second runner-up sa individual division sa nakalipas na taon, determinado ang Philippine Army Bicycology na makamit ang tagumpay maging sa team competition upang mabigyan ng karangalan ang Philippine Army at masuklian ang sakripisyon ng kanilang mga kasama na nakibaka para sa kapayapaan sa Marawi City.

“Hindi lang ito laban namin. Laban ito ng buong Philippine Army. Marami po kaming kasamahan na nagbuwis ng buhay para sa demokrasya, kaya ang pagsali naming ngayong taon ay iaalay namin sa kanila. Para sa mga kasama naming itong laban na to,” pahayag ni Joven.

‘Malaking bagay sa ating tropa sa AFP na maialay sa kanila ang panalo ng team. It is a big boost to their morale. Kung mananalo sila, parang nanalo na rin ang buong Army,” aniya.