BILANG paghahanda sa Asian Games, tutulak patungong Portugal sa susunod na linggo sina reigning Southeast Asian Games triathlon gold medalist Nikko Huelgas at Boy Constantino upang simulan ang matinding pagsasanay sa Lisbon.

“They will train in Portugal for three months to toughen their skills and gain additional experience because they are range against tough triathletes in Asia,” pahayag ni Triathlon Association of the Philippine president Tom Carrasco.

Makakasama nina Huelgas at Constantino si regaining SEA Games triathlon queen Kim Mangrobang na nauna nang umaalis nitong Enero. Si 2015 Singapore SEA Games gold medalist at 2017 Malaysia silver medalist Claire Adorna ay kasalukuyan namang nagsasanay sa Phukett, Thailand.

Ayon kay Carrasco, natuklasan nila at agad isinasama sa National Team si Constantino matapos makitaan ng potensyal sa mga paglahok sa torneo na ginagawa sa Subic Freeport Zone.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi ni Carrasco pinili niya ang Portugal dahil ideal training venue sa triathlon tulad sa Australia kung saan nag training ang mga Pinoy sa nakaraan taon bilang paghahanda sa SEA Games sa Malaysia kung saan nadomina ng mga Pinoy.“Portugal is a perfect training venue for triathlon. This is the reason I send my athletes to train there,” sabi ni Carrasco kasalukuyan president ng Southeast Asian Triathlon Association at member ng executive board ng International Triathlon Union nakabase sa Switzerland.

Ang triathlon ay kasama sa sampung priority sports ng Philippine Sports Commission pinamumunuan ni Chairman William Ramirez at kasama sa mga sports lalaruin sa Asian Games na lalarga sa August sa Indonesia at 2019 SEA Games sa Pinas.

Nahalal si Carrasco, dating POC chairman, president ng SEA Games Triathlon Association nakaraan taon kapalit ni Raymond Cheah ng Malaysia.