Inilagay na sa heightened alert ang lahat ng unit ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Visayas, Northern Mindanao, at Palawan kasunod ng inaasahang pagpasok ng bagyong ‘Basyang’.

Agad na inalerto ni Rear Admiral Elson Hermogino, commandant ng PCG, ang districts at stations ng ahensiya sa Visayas , Northern Mindanao, at Palawan, na inaasahang daraanan ng bagyo.

Pinaalalahanan din ang Coast Guard units sa mga apektadong lugar na pigilin ang inter-island vessels mula sa paglalayag o pagpapalaot.

Sa ulat naman kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA), inaasahang papasok sa bansa ang Basyang bago mag-hatinggabi ng Linggo, habang nasa 550 km sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur sa Lunes, at papasok sa Butuan City ng Martes ng umaga.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Base sa update ng PAGASA kahapon ng tanghali, ang bagyo ay tinatayang nasa 1,200 km sa silangan ng Mindanao, o labas ng Philippine area of responsibility (PAR), at kumikilos ng kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 27 kilometro bawat oras. - Betheena Kae Unite at Ellalyn De Vera-Ruiz