Sagutin kaya ni Mike ang tanong, dedmahin o kaya’y makiusap sa press people na ‘wag na siyang tanungin tungkol dito?
Ikinasal kasi si Mike last December 2017 sa matagal na niyang non-showbiz girlfriend, pero inilihim at walang press people na invited. Ang mga invited sa wedding, pinakiusapang huwag mag-post ng picture sa social media na in fairness, sinunod naman.
Parang wala ring mga kaibigang artista si Mike na invited sa wedding at kung meron man, sinunod ang request niya na kung kukuha man ng picture, ‘wag nang i-post sa social media.
Pero, may nakalusot pa ring nag-post ng picture ng ikinasal, naka-sideview nga lang si Mike, hindi kita ang mukha, pero nakilala pa rin siya. Kaya hihintayin namin ang magiging reaction ‘pag tinanong sa kanyang status.
Ang nadinig namin, para sa career kaya ayaw sanang ipaalam ni Mike na ikinasal na siya. Pero, wala naman siyang ka-love team at walang love team na masisira ngayong kasal na siya.
Isa pa, ang kapareha niya sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka na si Yasmien Kurdi ay may asawa’t anak na at alam ito ng lahat. Sa Ika-6 Na Utos, si Sunshine Dizon naman ang love interest niya na alam din ng lahat na may asawa (hiwalay nga lang) at may mga anak.
Naku, hayaan na nga lang natin si Mike at siguro naman may malaking rason kung bakit hindi ipinaalam na nag-asawa na siya. Sa interview namin sa kanya sa pictorial ng bagong soap ng GMA-7, wala pa raw siyang balak mag-asawa at “hopefully soon” ang sagot sa tanong kung kailan sila ikakasal ng GF.
Anyway, tungkol sa HIV+ patient ang tema ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka na napapanahon dahil tumataas ang bilang ng mga Pinoy na HIV+. Maganda ang objective ng production na iparating sa viewers ang pagkakaiba ng HIV at AIDS.
Challenge kay Mike ang pagganap sa role ng lalaking HIV+ patient ang asawa at dagdag na conflict na may mga anak sila. Sa February 26, ang pilot ng soap sa direction ni Neal del Rosario. --Nitz Miralles