1 Long ...

Ni RUEL SALDICO

SA Pebrero 13, mag-iisang buwan na ang pag-aalburoto ng Bulkan Mayon kasabay ng pagtitiis ng sakripisyo ng mahigit pitumpung libong evacuees mula sa mga apektadong barangay at bayan na nasa loob ng extended danger zone.

Agad namang bumuhos at patuloy na dumarating ang mga tulong mula sa iba’t ibang sektor at maging ang mga artista ay nagdaratingan hindi lamang para magpasaya kundi may mga bitbit pang tulong sa bawat pamilya ng evacuees.

Tsika at Intriga

'Back to you mamang!' Chloe, rumesbak kay Ai Ai matapos hiwalayan ni Gerald?

Nitong Enero 27 ay nagsagawa ng emergency broadcast ang isang himpilan ng radyo sa Lungsod ng Legazpi at boluntaryo namang nagtungo sa istasyon ng radyo si Mr. Noel de Luna, president at founder ng SND Charities Foundation at dating broadcaster sa Bicol.

Habang kinakapanayam ni De Luna si Director Claudio Yucot Regional Director ng Office of Civil Defense ng Rehiyon 5 ay nanawagan ito sa sinumang tao o grupo na makakapagboluntaryo para maghatid ng saya sa mga bakwit habang nasa evacuation centers.

Tinugon agad ni De Luna ang kahilingan ni Yucot dahil makalipas ang ilang araw ay dumating sina Long Mejia, Gene Padilla at Marvin Yap na cast ng FPJ’s Ang Probinsyano at nagbigay din ng 200 sako ng bigas ang nasabing foundation kasabay ng pag-sponsor nito sa mga artista.

Bumili rin ng mga tsinelas at mga damit na ipinamigay ng mga artista at ng grupo ng SND Foundation sa evacuees. Kaya habang nagpapasaya ay may tulong pang natatanggap ang mga bakwit.

Ikinabigla naman ng evacuees sa Gogon Elementary School sa Legazpi City ang pagdating nina Katya Santos at Gary Lim na mayroon nang bitbit na lulutuing mga isda at karneng manok pati mga tinapay habang kumakanta at sumasayaw sina Katya at Gary ay hindi mo maipaliwanag ang nararamdaman na saya ng mga evacuees na pinasaya na sila at mayroon pa silang makakain.

Noong Biyernes Pebrero 10 naman dumating sina Epi Quizon, Bayani Agbayani at si Cesar Montano kasama si Noel De Luna ng SND Foundation magkasabay ng bumili nang 10,000 na piraso ng buhay na manok at 10,000 piraso na fresh egg na itinurn-over naman kay OCD Regional Director Claudio Yucot upang ipamigay sa mga evacuees bago maghatid ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw ng mga artista sa mga evacuation center.

Ayon kay Yucot labis ang kanyang pasasalamat kay de Luna Foundation na mayroong isang Bicolano na nakakaramdam ng paghihirap ng mga evacuees na kasalukuyang nasa evacuation center ay naramdaman ang hindi matawaran na kasiyahan at natulungan pa ng mga pagkain at pangangailanan ng mga evacuees.

Sa panayam ng Balita kay De Luna, ginagawa niya sa mga kababayan niyang evacuees ang pagtulong upang maibsan ang kalungkutan nila habang dumadaan sa mga sakripisyo sa evacuation center.

Araw-araw ay may pagkain at masaya, masagana at dinadalaw sila ng mga artista habang nag-aalburoto ang Bulkang Mayon.

[gallery ids="287005,287010,287009,287008,287007,287006"]