Nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ngayong taon pa lamang magiging epektibo ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act o Free Tuition Law.
Sa press conference sa lalawigan ng Camarines Sur, sinabi ni Roque na noong 2017, tanging ang tuition fee pa lamang ang libre kung kaya mayroon pa ring mga binayaran ang mga estudyante. Nasa ilalim kasi ng 2018 National Budget ang pondo para sa Free Tuition Law kayat ngayong taon pa lamang ito ganap na maipatutupad.
Simula ngayong taon, sa pamamagitang ng nasabing batas, inaasahang libre na ang tuition fee sa State Universities and Colleges (SUCs), Local Universities and Colleges (LUCs), at sa state-run-technical-vocational schools. - Beth Camia