BIBIHIRANG senaryo na magkasagupa ang dalawang Pinoy World 9-Ball Championship at para kay billiard King Carlo Biado mas mababa ang pressure para sa kanila ni Roland Garcia.

“Ineexpect ko na na makakapasok siya sa Finals, kasi maganda talaga ang laro niya lahat ng games niya pinanood ko. Nauna siya sa akin na makapasok sa Finals. So ayun, ginaya ko style niya, kaya nakapasok din ako sa finals,” pahayag ni Biado patungkol sa naging karanasan sa ginanap na World 9-Ball Chamionship sa Qatar.

Hindi na umano nangamba si Biado gayun aniya, kahit sino sa kanila ang manalo ni Garcia ay tiyak na maguuwi ng karangalan para sa Pilipinas buhat sa prestihiyosong torneo.

“Nakakatuwa kasi bibihira yung pagkakataon na dalawang Pinoy ang naglaban sa Finals, talagang nakakaproud,” dagdag pa ng 34 anyos na si Biado.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ayon naman kay Garcia, kapuwa umano nila ginalingan kung kaya nakaabot sila pareho sa Finals, ngunit alam niya kahit sino sa kanila ay maaring tanghaling kampeon sa prestihiyosong torneo.

“Sabi ko sa kanya galingan niya at gagalingan ko din, sabi niya di niya ko ililibre ng dinner kapag di ko ginalingan, e kaso magaling talaga si Champ Carlo eh,” pagbibiro pa ni Garcia.

Si Biado ay isa sa tatanghaling Athlete of the Year sa darating na Philippine Sportswriters Association (PSA) Awards Night sa Pebrero 27, ngayong taon, dahil sa ipinamalas niyang galing sa billiards. - Annie Abad