Ni Antonio L. Colina IV

Seryoso si Pangulong Duterte sa banta niyang “papuputukan ng tropa ng pamahalaan” ang sinumang papasok sa Philippine Rise o Benham Rise nang walang paalam, dahil saklaw ito ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ito ay kasabay ng paggiit ng Presidente na mananatiling neutral ang Pilipinas sa agawan sa global dominance ng China at Amerika.

Mapipilitan, aniya, siyang ipagawa ito sa Philippine Navy kung hindi kikilalanin ng ibang bansa ang hurisdiksiyon ng Pilipinas sa EEZ nito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“But just the same ,we cannot fight America, just like China. I’ll just keep quiet. But if you get something there from the economic zone, I will order the Navy to fire,” banta ni Duterte sa press conference sa Davao City nitong Biyernes.

Mas pagtutuunan, aniya, ng pansin ng pamahalaan ang pagtalakay sa fundamental problems sa bansa, kabilang na rito ang pagpapauwi sa mga distressed overseas Filipino worker (OFW) mula sa ibang bansa.

Sinabi ng Pangulo na patuloy na makikipag-usap ang Pilipinas sa China, ngunit iginiit na hindi ito ang tamang panahon para pag-awayan ang West Philippine Sea o South China Sea.

“Now, China is playing it right at this time. That is the reality of geopolitics. Hindi naman tayo ang kalaban niya, kalaban niya America. They are competing for a world superpower in the next centuries to come. Huwag tayong makisali diyan,” ani Duterte.