Ni Liezle Basa Iñigo

ALAMINOS CITY, Pangasinan - Nagsasagawa na ngayon ng search-and-rescure operations ang pamahalaan sa naiulat na nawawalang sampung mangingisda sa Pangasinan nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Melchito Castro, Office of Civil Defense regional director, kabilang sa tumutulong sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine Navy at Philippine National Police.

Sakay, aniya, sa dalawang bangka ang mga mangingisda nang sila ay pumalaot nitong Biyernes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nangangamba na rin, aniya, ang pamilya ng mga mangingisda dahil sa bantang pagpasok sa Philippine area of responsibility ng bagyong ‘Basyang’ na inaasahang magdudulot ng malakas na pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kaugnay nito, umapela na rin si Castro sa mga alkalde sa mga coastal town ng Pangasinan na bigyan ng kabuhayan ang mangingisda para sa alternatibong pagkakakitaan ng mga ito sa sa panahon ng kalamidad.