UNITED NATIONS (AFP) – Nanawagan si United Nations Secretary-General Antonio Guterres noong Sabado ng kahinahunan sa Syria matapos umatake ang Israel sa magulong bansa.
Sinabi ni UN spokesman Stephane Dujarric na si Guterres ay "following closely the alarming military escalation throughout Syria and the dangerous spillover across its borders."
Tinarget ng Israel ang Iranian positions sa loob ng Syria matapos isang warplanes nito ang binaril ng Syrian air defences at bumulusok. Naganap ang Israeli raids matapos nitong ma-intercept ang sinasabing Iranian drone na pumapasok sa kanyang airspace.
Idiniin ni Guterres na ang lahat ng partido sa Syria at sa rehiyon ay dapat na tumalima sa international law.
‘’He calls on all to work for an immediate and unconditional de-escalation of violence and exercise restraint,’’ ani Dujarric.
Ito na ang pinakaseryosong komprontasyon ng Iran at Israel simula nang sumiklab ang digmaan sa Syria noong 2011.