ROBIN ATBP_may caption sa article copy

MULA Marawi hanggang Albay, dama ang pagmamahal ng mga Kapamilya mula sa buong mundo sa pamamagitan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation-Operation Sagip.

Habang sinisimulan ang pagsasaayos ng siyudad ng Marawi, tumungo rin ang Operation Sagip sa Albay upang tulungan ang mga naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon. Nito lamang Pebrero 7, umabot na sa 14,827 ang naserbisyuhan ng “mobile kitchen” ng Operation Sagip, samantalang 1,827 na pamilya ang nakatanggap ng relief packs at naibsan ang gutom habang hindi pa sila makabalik sa kani-kanilang tahanan.

Inaliw din at pinawi ang takot at kaba ng mga bata sa mga storytelling, art projects.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ayon sa ABS-CBN head ng Integrated Public Service and Operation Sagip director na si Jun Dungo, ipagpapatuloy ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya ang pagtulong hangga’t makaahon ang mga napinsalang komunidad sa tulong ng mga katuwang na organisasyon at indibidwal na sumusuporta sa ALKFI.

Sa Marawi ay nakapamahagi na ang misyon ng pagkain sa umaabot sa 24,041 pamilya at 4,000 hygiene kits sa mga sundalo, at sisimulan na rin ang pagpapagawa ng permanenteng tirahan para sa mga residente roon.

Kamakailan lang ay pumirma ng kasunduan ang ABS-CBN sa pangunguna ng chief operating officer of Broadcast Cory Vidanes at ALKFI managing director Susan Afan, at ng Liwanag ng Kapayapaan Foundation, Inc. (LKFI) ng aktor na si Robin Padilla para sa proyektong pabahay sa Marawi.

Ibabahagi sa kampanyang “Tindig Marawi” ng LKFI ang 25% ng donasyong nalikom sa “Tulong Na, Tayo Na, Para sa Marawi” telethon ng ABS-CBN sa “ASAP” noong Nobyembre, na sinuportahan ng Kapamilya stars.

Ang Operation Sagip ay ang emergency humanitarian assistance program ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc. na nagbibigay ng pagkain at iba pang uri ng tulong sa mga komunidad na naapektuhan ng mga kalamidad. Nagsasagawa rin ito ng mga proyektong makakatulong sa pagbangon ng mga pamilya at sa paghahanda sa mga darating pang sakuna.