Ni Czarina Nicole O. Ong

Nahaharap ngayon sa kasong graft sa 3rd Division ng Sandiganbayan si San Francisco, Quezon Mayor Joselito Alega sa umano’y pagtangging ibigay ang year-end bonus at cash gift ng isa niyang kawani noong 2014.

Bukod kay Alega, sinampahan din ng Office of the Ombudsman sa anti-graft court ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) sina Human Resources Management (HRM) officer-in-charge Cesar Rocas, at municipal accountant Gerardo Cerrudo.

Nag-ugat ang kaso nang ipitin umano ng tatlong akusado ang P36,852 bonus at cash gift ni Noel Castillejo noong Nobyembre 26, 2014, sa kabila ng kawalan ng “valid/legal ground”.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinili rin umano ng mga ito na bigyan ng bonus ang tatlong empleyado na sina Mario Montenegro, Damafid Ojastro, at Mark Jason Carabido kahit hindi umano dapat bigyan ang mga ito, dahil suspendido nang mapatunayan silang nagkasala sa kasong administratibo noong 2014, gaya ng sitwasyon ni Castillejo.

Itinakda ng korte ang piyansang P30,000 sa bawat isa sa mga akusado.