Ni Jimi Escala
PINAGTATAWANAN ngayon ni Pokwang ang nagsasabi noon na hindi raw siya maganda. Puwede raw niyang ipamukha sa mga taong nanglalait sa hitsura niya na maganda ang bloodline niya at katibayan niya ang kanyang panganay na si Mae Subong at ang bagong silang na anak na si Malia O’Brian.
Sa sobrang tuwa nga raw niya ay nag-post siya ng isang photos ng dalawang bagets. Wala raw naman siyang ibang intensiyon kundi maipakita sa lahat ang pruweba na may kagandahan sa dugong nananalaytay sa kanyang mga ugat.
“Sa totoo lang naman din, eh, maganda naman pala ang lahi namin, mula sa aking mga pamangkin, maganda kaming lahat,” sey ni Pokwang.
Pero hindi pa rin naman nakakalibre si Ms. P sa mga nambu-bully sa kanya at sa anak niyang si Malia, at siyempre hindi rin naman niya pinalampas ang mga ito.
Tahasang pa niyang binanggit na ang kaibigan niyang si Chokoleit ay may mga patutsada pa rin sa kanya.
“O, ano, laban ka, Chocoleit, ‘wag ka nga dyan! Gusto mo ako idamay sa balat mo na half -human at half-iskoba!”
napatawa pang ganting pasaring ni Pokwang sa kaibigan.
In fairness, marami ang pumuri sa cute na sanggol ni Pokwang. Kitang-kita sa naglabasang photos na matangos ang ilong ng bata at napakaganda naman talaga.