Ni NORA CALDERON

UNANG pagtatambal nina Megan Young at Mikael Daez ang The Stepdaughters, although minsan na silang nag-guest sa Dangwa morning drama series noon nina Janine Gutierrez, Mark Herras aT Aljur Abrenica sa GMA-7. Kaya ngayon, na nagtambal na sila, naging open na rin ang real-life sweethears tungkol sa kanilang relasyon.

Megan_Mikael (2) (1) copy copy

Kapag tinatanong sila noon, ang sagot ay laging “what you see is what you get.” Seven years na sila, kaya ang unang itinanong agad kay Mikael sa grand presscon ng kanilang serye ay kung totoong nagli-live in na sila ni Megan.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Siguro, matagal na,” biro ni Mikael. “No, what I mean, si Megan, may sariling place, ako may sarili ring place, pero matagal na kaming travel partners. Kung minsan, inaabot kami ng ilang linggo na magkasama, so, natural lamang na we share the same room. We share in our expenses, organized kami ni Megan pagdating doon.

“Para wala kaming problema ni Megan sa expenses, naglagay kami ng joint account para sa pagbibiyahe namin.

Pinagkasunduan namin iyon, kaysa iyong magtuturuan kami kung sino ang dapat magbayad ng plane tickets namin, ng mga kakainin namin, ng hotel room namin. Pero joint account para sa aming dalawa, wala. Siguro pag-iisipan namin iyan kapag seryoso na naming pag-uusapan ang pagpapakasal. Sa ngayon, napag-uusapan na rin namin, pero wala pang final. Tutok muna kami sa aming career.”

Sa serye na first TV directorial job ni Paul Sta. Ana, na nakilala sa pagdidirek ng indie films, gagampanan ni Mikael ang character ni Francis Almeda, guwapo, smart at head product engineer. Nang magkakilala sila ni Mayumi dela Rosa (Megan), na-in love siya agad sa maganda at palabang dalaga, kaya kahit anong pang-aakit sa kanya ni Isabelle Sandoval (Katrina Halili), hindi niya pinapansin.

Sa Monday, February 12, magsisimula nang mapanood ang The Stepdaughters pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7.