SEOUL/PYEONGCHANG (Reuters) – Inimbitahan ni North Korean leader Kim Jong Un si South Korean President Moon Jae-in para sa mga pag-uusap sa Pyongyang, sinabi ng mga opisyal ng South Korea nitong Sabado. Sakaling matuloy, ito ang unang pagpupulong ng mga lider ng Korea sa loob ng mahigit 10 taon.

Ang personal na imbitasyon ni Kim ay ipinaabot ng kanyang kapatid na babae na si Kim Yo Jong, sa mga pag-uusap at tanghalian na inihanda ni Moon sa presidential Blue House sa Seoul para sa delegayson ng North sa Winter Olympic Games na nagsimula nitong Biyernes

Nais ni Kim Jong Un na makapulong si Moon “in the near future” at bumisita ito sa North Korea “at his earliest convenience”, sinabi ng kanyang kapatid kay Moon, na sumagot naman na “let’s create the environment for that to be able to happen,” sinabi ni Blue House spokesman Kim Eui-kyeom sa news briefing.

“We would like to see you at an early date in Pyongyang”, sinabi ni Kim Yo Jong kay Moon sa tanghalian. Iniabot din niya ang personal letter ng kanyang kapatid na nagpapahayag ng pagnanais ni Kim “to improve inter-Korean relations”.
Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina