Ni JIMI ESCALA

NAGKAKALABUAN na raw ang sina KC Concepcion at Aly Borromeo. Ito ang ibinalita sa amin ng isang taong malapit kay KC. Bihira na raw kung magkita ng dalawa.

ALY AT KC copy copy

Sa mga dating interbyu kay KC, laging may update tungkol sa relasyon nila ni Aly at lagi niyang sinasabi na “super close” sila kahit hindi madalas nagkikita dahil may kanya-kanyang priorities sila.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

Pero napansin ng source namin na last November pa huling nag-post si KC ng picture nila ni Aly na magkasama.

Pagkatapos noon ay wala nang nakikitang bagong picture nila together.

Ayun pa sa kausap namin, hindi naman masyadong busy ang dalawa ngayon kumpara sa dati kaya imposible na hindi sila makagawa ng paraan upang magkita kung maayos pa ang takbo ng relasyon nila.

“Malakas ang suspetsa ko na papunta na sila sa hiwalayan o kung hindi man ay hiwalay na ang dalawa,” sey ng source.

Samantala, happy si KC sa maayos na samahan ngayon ng kanyang mommy at daddy na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sa isang post ni KC, ipinagmamalaki niyang pina-follow na sa Instagram nina Gabby at Sharon ang isa’t isa.

“Well played fam,” caption niya na may hashtags pang “NeverInMyWildestDreams”.

Buhay na buhay ngayon ang diehard Sharon-Gabby fans. Marami ang kinikilig na muli silang nakikitang magkasama. Ang post pa nga lang ni KC umani na ng more than 37,000 likes at tambak ang comments nang huli naming tingnan.

Marami na ang nag-aabang sa lalabas na TVC nina Sharon at Gabby para sa malaking food chain, ang nasa likod ng muli nilang pagsasama sa isang ‘project’.