Ni Nestor L. Abrematea

TACLOBAN CITY - Nararamdaman na rin sa Eastern Visayas ang kakapusan ng murang bigas mula sa National Food Authority (NFA).

Ito ay makaraang magreklamo na rin ang mga namimili ng NFA rice, na nagsabing dalawang linggo na silang walang mabiling murang bigas.

Una nang naglabas ng pahayag ang grupong Grains Retailers Confederation (GRECON) sa rehiyon, at sinabing dismayado sila bunsod na rin ng kakapusan ng supply ng NFA rice sa merkado.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sinabi pa ng grupo na tanging commercial rice na lamang ang kanilang ibinebenta sa publiko, at ito ay nanggagaling pa sa Iloilo at Luzon, ngunit mataas ng P2 ang presyo nito kada kilo kumpara sa NFA rice, dahil na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Kinumpirma na rin ng NFA ang kakulangan ng kanilang stocks sa mga bodega nito sa Leyte at Samar.