Ni PNA

Hinikayat ng mga opisyal ng gobyerno sa ilalim ng human development cluster nitong Sabado ang publiko na lumahok sa mga programa at serbisyo sa edukasyon, kalusugan at pampublikong proteksyion na magdudulot ng positibong pagbabago at pag-unlad ng buhay ng tao partikular ng mahihirap.

“Ang pagbabago ay ginagawa at ikinikilos,” saad ni Assistant Secretary Jonas Soriano ng Office of the Cabinet Secretary sa Inter-Agency Serbisyo Caravan na ginanap sa Commonwealth Elementary School kamakalawa.

Ani Soriano, ito na ang oras para magkaisa at makialam ang publiko sa pag-abot ng mga pagbabagong nais at inihahayag ng gobyerno.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“Tungkulin ho ng estado na lumaya ang mamamayan sa kahirapan sa pamamagitan ng serbisyong panlipunan,” lahad namann ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy M. Taguiwalo nang sabihin nito na nakasaad sa 1987 constitution na kailangan ng estado na iangat ang pantay at daynamikong pagsasaayos ng lipunan, upang masiguro ang kasaganaan at kakayanang makapag-isa ng isang bansa at ng mga malayang tao mula sa kahirapan sa pamamagitan ng mga polisiyang magbibigay ng sapat na serbisyong panlipunan, pag-aangat ng maayos na trabaho, pag-angat ng estado ng pamumuhay at mas paginhawain ang pamumuhay ng lahat ng tao.

Sinabi ni Taguiwalo sa mungkahi ni DSWD Assistant Secretary Aleli Bawagan, na sa halip na magsagawa ng mga naturang aktibidad sa mga high-class na hotel, ang mga nasabing serbisyo ay maaaring direktang gawin sa mga tao sa pamamagitan ng pagdaraos sa mga townhall.

Pagtutuunan sa mga isasagawang caravan ang pagdadala ng kabuhayan, trabaho, at iba pang mga pangunahing serbisyong ipagkakaloob sa mahihirap sa ilalim ng Kilos Sambayanan sa pamamagitan ng pagkonsulta sa publiko sa pamumuno ng National Anti-Poverty Commision sa National Anti-Poverty Summit nito ng nakaraang taon.