Ni Marivic Awitan

UMISKOR ng 20 attacks at 2 blocks si Jude Garcia habang nagdagdag naman ng 13 hits at anim na blocks si John Paul Bugaon upang pangunahan ang Tamaraws sa pag-angkin ng ikalawang sunod nilang tagumpay sa UAAP football.

Nagdomina ang FEU kapwa sa opensa at depensa makaraang magtala ng 61 hits kumpara sa 47 lamang ng Falcons, gayundin ng 13 blocks at 82 excellent recepttion kumpara sa 5 at 52 ng kanilang katunggali.

Dahil sa kabiguan, nalugmok ang Falcons sa ilalim ng standings sa pagbagsak sa 0-2, panalo -talong kartada kasama ng University of the East.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa ikalawang laban, nakabawi naman ang De La Salle sa kanilang opening day 5-setter na pagkabigo sa kamay ng University of Santo Tomas matapos walisin ang University of the Philippines,25-22, 25-23, 25-19.

“Work in progress kasi ‘yung maturity na ma-attain nila,” pahayag ni DLSU Spikers coach Norman Miguel. “After ng game na iyon, ni-work out namin, technically, ‘yung strong serve, consistent passing and block, which naging effective naman at nanalo kami. Mas natuto silang ma-control ang emotions nila.”

Pinangunahan ni Arjay Onia ang nasabing panalo sa ipinoste niyang 19 puntos.