GABBY ISABELLA KUH AT KRIS copy copy

Ni Reggee Bonoan

KINUMPIRMA sa amin ng publicist ng upcoming concert na Love Matters na postponed muna ito.

Ang Love Matters concert ay pangungunahan nina Kuh Ledesma at Kris Lawrence with guests Isabella Ledesma at Gabby Concepcion na naka-schedule sana sa Pebrero 13 sa ABS-CBN Vertis Tent, Quezon City.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

Mensahe sa amin ng PR ng show na si Tinnie Esguerra, “We’re coming out with an official announcement. No date yet that’s why.”

Napag-usapan sa isang mediacon na cancelled na ang concert nina Kuh at Kris sa Vertis North dahil may problema.

Tinanong namin si Tinnie kung ano ang naging problema ng show at kailangang i-postpone pero nakiusap siyang huwag na lang daw namin isulat.

Feeling namin ay napakarami kasing iba pang show na makakasabay ng Love Matters concert kaya sa ibang petsa na lang nila ito itutuloy.

Sisimulan ng All We Need Is Love-Love Is All We Need ngayong weekend sa Music Museum sa pangunguna ng The Philippine Madrigal Singers, Nicole Asencio, RLSSA Chamber Orchestra at Freshmen; nitong Sabado rin ang A Night of Love, An Evening of Opera Love Songs and Duets; Pebrero 13 at 14 may Dionne Warwick sa Solaire Grand Ballroom (Solaire Resort & Casino); Love Wins ni Joanna Ampil sa Pebrero 14, Globe Auditorium, Maybank Performing Arts Theater, BGC Arts Center; This is Us nina Aiza Seguerra at The Company sa Pebrero 13/14 Music Museum; Love in Motion ni Gary Valenciano sa Sangri-La Fort sa Pebrero 14 at marami pang iba.

Nakatitiyak kaming hindi rin naman pahuhuli ang concert sana nina Kuh at Kris dahil hanggang ngayon ay marami pa ring hindi nakalilimot sa classic songs ng una, kasama na kami.