Ni REMY UMEREZ

NAGPAPASALAMAT si Richard Yap sa pagpayag ni Robin Padilla na makasama sila ni Jodi Sta. Maria sa bagong teleseryeng Sana Dalawa ang Puso.

“Hindi matutuloy ang proyekto kung hindi siya sumang-ayon. Itinuturing kong isang malaking karangalan at hamon at makatrabaho ang nag-iisang Robin Padilla,” saad ni Richard.

Bago nagsimula ang taping ay nagkaroon sila ng bonding na si Robin ang nagmungkahi.

Events

Bb. Pilipinas 1989 Sara Jane Paez, pumanaw na

Ayon kay Richard, walang dapat ipangamba na magiging magkaribal sila ni Robin sa puso ni Jodi dahil dual character ang ginagampanan ng dalaga. Sa takbo ng istorya, ang mayamang si Jodi ay ipagkakasundong ipakasal kay Richard samantalang ang mahirap na Jodi ay iibig naman kay Robin. Magkakaroon ng conflict at kalituhan sa sandaling magtagpo ang dalawang Jodi.

Nagsimula nang umere ang Sana Dalawa Ang Puso na napapanood araw-araw bago mag-It’s Showtime at mainit itong tinanggap ng televiewers.