Ni MERCY LEJARDE

TINANONG namin ang former sexy actress na si Ina Alegre na ngayon ay vice mayor ng Pola, Mindoro kung masarap ba o mahirap ang maging public servant.

INA ALEGRE copy

“Honestly? Masarap maging public servant kasi madami kang natutulungan pero ‘yung bigat ng trabaho as legislator iba kasi gumagawa ka ng batas. Noon kasi ang akala ko ‘pag vice mayor ka wala lang, pero ang bigat pala kasi nasa iyo ‘yung... kasi kami ang gumagawa ng batas for implementation.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Pero minsan sumasama ang loob mo kapag ‘yung batas na ginawa mo ay hindi na-implement ng tama. Ang good thing naman, okay kami ng mayor namin kaya wala kaming problema kahit minsan nagtatalo kami. But at the end of the day, nagkakasundo rin kami.”

Ano ang masasabi niya sa mga artista o showbiz celebrities na binigyan ng position ni Pangulong Rodrigo Duterte tulad ni Mocha Uson?

“’Pag binigyan ka ng position ibig sabihin, kaya mong gawin ‘yon. And I think nasa kanila na ‘yon kung gaano nila tatrabahuhin ang ‘binigay sa kanilang position and it doesn’t matter kung anumang position ‘yon. ‘Yang pagiging artista, parang public service na rin, eh, like nga si Mocha Uson. Oo, marami siyang bashers pero alam n’yo, ginagawa niya ang trabaho niya, eh. Kasi ang mga artista malakas ang loob ng mga ‘yan, eh. Ginagawa nila kung anong role ang ibigay sa kanila at nag-i-excel naman sila.

“Pero minsan nati-take two or take three. Ganu’n din si Mocha, kung nagkamali du’n sa Mayon Volcano issue, bigyan natin ng take two kasi meron naman tinatawag na second chance, eh. Kumbaga, nobody’s perfect, eh. Kaya lang ‘pag isang beses kang nagkamali, mag-take two ka, ‘pag pangalawang beses kang nagkamali, mag-take three ka. Pero ‘pag paulit-ulit ang iyong pagkakamali, katangahan na ‘yan,” mahabang litanya ni Ina.

And if we may repeat, Ms. Mocha Uson, katangahan na raw ang paulit-ulit na pagkakamali, boom, tusok!