Ni NITZ MIRALLES

BIGO ang lahat na gustong mag-comment, mag-bash o kaya’y awayin si Mark Bautista dahil sa ilalabas na libro niyang Beyond The Mark dahil naka-off ang comment box sa Instagram (IG) account niya.

mARK 1 copy copy

Lahat ng post ni Mark, pati old posts, naka-off ang coment box na wise move para hindi siya mapasok ng bashers.

Tsika at Intriga

McCoy De Leon, Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN Christmas Special?

Kaya sa ibang site nagko-comment ang fans, bashers and haters na rin sa paglabas ng libro ni Mark na hindi pa man inilulunsad ay controversial na agad. May nag-comment na kung talagang matapang si Mark, dapat hindi niya in-off ang comment box at tanggapin ang lahat ng klase ng comments positive man o negative.

Sa sobrang hot at controversial ng Beyond The Mark, siguradong magiging bestseller ito paglabas sa market.

Hindi namin alam kung introduction ng libro ang sinulat ni Mark na, “I have a story to tell, and no matter what others might think, I’m happy that I can share this with pride (from overcoming my personal struggles), joy (from discovering my life’s purpose), and peace (from finding the true essence of fulfillment). For me, these are life’s great achievements. This has been my journey and my life, so far.”

Gusto na rin namin mabasa ang Beyond The Mark dahil may chapter sa book na inamin daw ni Mark na he is attracted to both sexes (male and female) at inaming nagkarelasyon siya sa isang lalaki.