Ni Mina Navarro

Inaapura ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matapos ngayong taon ang kalsada sa pagitan ng mga bayan ng Manito sa Albay at Bacon sa Sorsogon, bilang alternatibong ruta para sa pagpapaikli sa tatlong oras na biyahe.

Tiniyak ni DPWH-Region 5 Director Danilo Versola na malapit nang mapakinabangan ng mga motorista ang Bacon-Manito Road, na magiging 15.3 kilometro at two-lane na may limang tulay na iikot sa kabundukan, sa silangang baybayin ng Albay at Sorsogon.

Kasalukuyan aniyang ipinatutupad ng regional office ang tatlong kontrata upang ganap na makumpleto ang proyekto.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Sinabi ni Versola na saklaw ng kontrata ang 3.9-kilometrong kalsada sa pagitan ng Barangay Osiao hanggang Bgy. Sto. Niño sa Bacon, Sorsogon.

Nasa 93.7 porsiyento na ang natapos sa nasabing pagawain, na pinaglaanan ng P183 milyon.

“This road will provide a better and safer alternative route to the traveling public. It will not only result to substantial savings for motorists but also improve economic condition of these nature-rich areas of Albay and Sorsogon,” dagdag pa ng opisyal.