Ni PNA
SA paglulunsad sa 22nd Philippine International Hot Air Balloon Fiesta para sa unang araw ng isang-linggong “everything that flies”, isa sa mga pangunahing tampok sa aktibidad ang Flying Circus Aerosuperbatics WingWalkers mula sa United Kingdom.
Sa isang panayam, bumibilib ang Flying Circus Aerosuperbatics WingWalkers sa “warmest welcome” sa kanila ng mga Pilipino—ang ayon sa kanila ay pinakamainit na pagtanggap na kanilang naranasan.
“Our experience here so far has been amazing. Everybody has been so friendly, so generous, so helpful,” sinabi ni Martyn Carrington, wingman pilot ng Flying Circus.
Sinegundahan ng mga wingwalker na sina Emily Guilding at Katie Hobbs ang sinabi ni Carrington, at nagpahayag ng labis na pagkasabik sa gagawin nilang mga pagtatanghal para sa mga Pilipino, bukod pa sa aminadong nahumaling na sila sa maraming pagkaing Pinoy.
Ang grupong may anim na miyembro, binubuo ng dalawang mekaniko, dalawang piloto, at dalawang wingwalker, ay nakapagtanghal na sa mahigit 2,500 iba’t ibang event at pinapanood ng mahigit anim na milyong katao kada taon sa United Kingdom, Kasalukuyan silang nasa Clark sa Pampanga para sa apat na araw na pagtatanghal sa aviation festival.
“The experience of the WingWalker team is a living testament of the hospitality of the Filipinos,” sabi ni Department of Tourism Secretary Wanda Teo.
“For this year, they will be the highlight of the Philippine Hot Air Balloon Fiesta as we further push for the promotion of sports and adventure tourism,” dagdag pa ng kalihim.
Isa ang Department of Tourism sa mga pursigidong sumusuporta sa hot air balloon event simula nang ilunsad ito noong 1994, at patuloy na sinusuportahan ang pinakamatandang sports aviation event sa Asya.
Nagtatanghal ang WingWalkers ng mga makapigil-hininga nilang serye ng acrobatic maneuvers at handstands habang nasa ibabaw ng Boeing Stearman biplane ng grupo.
“It is our first time to perform here in the Philippines and so we’re very, very excited. So we look forward to bringing the spectacle of windwalkers to the Filipinos,” sabi ni Hobb.
“Definitely, drop of a hat, I would come back here for a holiday but obviously it’s great to bring the aircraft because people don’t really see them. So hopefully, the Filipino people will like our show and we will be able to come back again,” sabi naman ni David Barrel, chief engineer at piloto.
Dakong 7:00 ng umaga nitong Huwebes nang magtanghal ang Aerosuperbatics WingWalkers, at magtatanghal hanggang sa Linggo, Pebrero 11, para sa 22nd Philippine International Hot Air Balloon Fiesta, sa Omni Aviation Complex sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.