Ni Nitz Miralles

PRODUCTIVE ang Thursday (February 8) ni Dingdong Dantes dahil dalawang meeting para sa dalawang big projects ang kanyang pinuntahan kasama ang manager na si Perrry Lansigan.

Dingdong at Direk Olive copy copy

Unang nilang pinuntahan, batay sa IG story post ni Dingdong, ang pakikipag-meeting nila kay Olivia Lamasan. Ang dating sa mga nakakita sa picture, may gagawing bagong pelikula sa Star Cinema ang aktor. Kahit Kapuso, paborito ng movie outfit ng ABS-CBN si Dingdong.

Tsika at Intriga

Julia Montes banas sa tinulungan noon, sinisiraan na siya ngayon

Sa pangalawang picture, si Lilybeth Rasonable naman ng GMA Network ang ka-meeting nina Dingdong at Perry. Ang ibig sabihin, may kasunod nang TV project sa network ang aktor pagkatapos ng Alyas Robin Hood 2.

Nabanggit na ni Marian Rivera nang pumirma siya ng bagong kontrata sa GMA na may bagong TV show si Dingdong and sadly, hindi pa ang project nilang mag-asawa na matagal nang hinihintay ng kanilang fans. Pareho tiyak ang paniniwala nina Dingdong at MarIan na mas makabubuti sa ngayon sa kani-kanyang career kung hindi muna sila magsasama sa TV project.

Samantala, patok sa netizens ang series of photos na pareho nilang ipinost habang sila’y nagku-crossfit. Sabi ni Dingdong, “new recruit” niya si Marian na dahil may abs na, ibig sabihin, nagwu-workout na ito bago paq sumamang mag-crossfit kay Dingdong.

“If you find a workout difficult, you can opt to do it with your ‘other half’, post ni Dingdong at sinundan ng, “Pampalakas ng tuhod para mahabol si Z” sa nagtanong kung bakit pursigido sila ni Marian na mag-workout.