Ni Lyka Manalo

BATANGAS CITY, Batangas - Dead-on-arrival sa ospital ang isang binatang manager ng convenience store matapos umanong magbigti sa kanilang bahay sa Batangas City, nitong Miyerkules ng umaga.

Ang nasawi ay kinilala ni SPO1 Doni Irvin Casayuran na si Hubert Dimasacat, 32, ng Barangay Pinamukan, Batangas City.

Sianbi ni Casayuran na dakong 10:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa loob ng bahay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nagawa pang isugod sa St. Patrick Hospital si Dimasacat, ngunit binawian din ito ng buhay.

Sinisiyasat pa ni Casayuran ang anggulong personal na problema na sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ni Dimasacat.