IPINAGKALOOB nina RunRio officials Andrew Neri (kaliwa) at Rio Dela Cruz ang tseke na nagkakahalaga ng P500,000 bilang donasyon sa YesPinoy Foundation. RIO DELUVIO
IPINAGKALOOB nina RunRio officials Andrew Neri (kaliwa) at Rio Dela Cruz ang tseke na nagkakahalaga ng P500,000 bilang donasyon sa YesPinoy Foundation. RIO DELUVIO

PINATUNAYAN ng Runrio Events, Inc. – nangungunang running event organizer sa bansa – na hindi lamang sa pagpapaunlad ng sports nakatuon ang organisasyon bagkus may puso rin para sa kawanggawa higit para sa kabataang Pinoy.

Tumataginting na P500,000 bilang donasyon ang ipinagkaloob ng RunRio Events, Inc. sa pamumuno nina Rio Dela Cruz at Andrew Neri para sa programa ng YesPinoy Foundation. Nabuo noong 2009, ang foundation ay tumutulong sa mga pangangailangan ng mga kabataan mula sa mga lugar na nasalantan ng iba’t ibang kalamidad.

Kinilala rin ng RunRio ang mga runners na nagpamalas ng katatagan sa isinagawang trilogy race sa nakalipas na taon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

“The RUNRIO Trilogy Awards is our way of showing our appreciation to all those who participated and gave everything they’ve got fueled by their #HeartToFinish strong,” pahayag ni Neri, RUNRIO Events, Inc. Managing Partner.

Ipinahayag din ni Neri na mas maraming runners ang makalalahok sa RUNRIO Trilogy Race Series ngayong taon sa gaganaping Cebu race sa Marso 4 at Marso 18. Nakatakda ang second leg sa Mayo 6 sa Cebu at Hunyo 3 sa Manila, habang ang last leg ay sa Agosto 19 sa Cebu at Setyembre 23 sa Manila.

Binuksan din ang events na 5k Family Run, gayundin ang barkada division at ang 10K buddy run para sa kabataan.

“This year promises to be exciting for us and for all those who want to join our runs,” pahayag ni Coach Rio Dela Cruz, RUNRIO President and CEO. “Running enthusiasts can look forward to the 2018 RUNRIO Trilogy not only as an avenue to push their limits but also to spend quality time with friends and family.”

Kaakibat ng RUNRIO Trilogy ang Gatorade, Maynilad, Garmin, SM Mall of Asia, Nyxsys, Inside Manila, Fitbar, KitKat, Efes, Nizoral, Salonpas, at Milcu Deodorant Powder.