Ni NITZ MIRALLES

IPINOST ni KC Concepcion ang pagpa-follow ng kanyang amang si Gabby Concepcion sa mom niyang si Sharon Cuneta sa Instagram. Labis ikinatuwa ni KC ang short notice na “concepciongabby started following reallsharoncuneta.:

KC copy

“Well played, fam. #NeverInMyWildestDreams.”

Human-Interest

Nanay na sumunog sa 3 anak may problema sa mister, 'pakialamerang' biyenan?

Kabilang sa celebrities na nag-comment sina Marian Rivera na nag-post ng heart emoji at si Anne Curtis ng, “Ang cute” na sinagot ni KC ng, “I got kilig din eh. Hahaha.” Pati si Garie Concepcion na kapatid sa ama ni KC, nag-comment din ng happy emojis.

Naintriga si Sharon sa comment ni KC, kaya nagtanong kung ano ang ibig sabihin ni KC ng “well played”. Ang paliwanang ni KC, “Mom, like good job, lol.”

Umaasa ang maraming Sharon-Gabby fans na pagkatapos ng McDo TVC, susunod at matutuloy na ang reunion movie ng dalawa.

Kapag nangyari ‘yun, si KC na ang pinakamasayang anak sa buong daigdig.

Samantala, marami ang nakakapansin na hindi na nagpo-post si KC ng picture nila o kahit solo pic ni Aly Borromeo.

Nagtataka ang fans ni KC kung sila pa rin. Nang mag-guest si KC sa isang show at matanong tungkol sa estado ng relasyon nila ni Aly, very vague ang sagot niya, malayo sa tanong na puwedeng sagutin ng “yes” or “no.”