Ni Mary Ann Santiago

Preparado na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagpapaimprenta sa natitirang 18 milyong balotang gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo 14, 2018.

Nilinaw ni Comelec Executive Director and Spokesman James Jimenez na kasama sa ipagagawang balota ang bilang ng mga karagdagang nagparehisto noong Nobyembre 2017 at mga balota na rin sa para sa Mindanao.

Puntirya ng Comelec na masimulan ang ballot printing sa Pebrero 15, na tatagal ng 20 araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakabimbin pa rin, aniya, ang printing details sa Commission en banc.

Nauna nang nagdesisyon ang Comelec na gamitin ang 59,578,346 na official ballots na naimprenta na noong nakaraang taon para sa National Capital Region (NCR), Luzon at Visayas regions.

Sa ngayon, ayon kay Jimenez, ay 85 porsiyentong handa na ang Comelec sa halalan sa Mayo.