Ni Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Hindi rin umubra sa pulisya ang plano ng isang umano’y miyembro ng Acetylene gang na nagtangka umanong tumakas habang dinadala sa Provincial Attorney’s Office (PAO).

Kinilala ng Kalibo Police ang suspek na si Glen Alvin Orille, tubong Cavite, na may kinakaharap na mga kaso sa Kalibo Regional Trial Court.

Paliwanag ng imbestigador, dinadala ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) si Orille sa PAO para kausapin ang abogado nito hinggil sa kinakaharap na kaso nang nagtangka umanong tumakas.

Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival

Akusado si Orille sa serye ng pagnanakaw sa mga apartment sa Kalibo.