GINULAT ng Perpetual Help ang College of St. Benilde, 27-25, 25-23, 11-25, 32-30, habang ginapi ng Jose Rizal ang Lyceum of the Philippines, 25-13, 23-25, 25-11, 25-12, nitong Martes para makumpleto ang Final Four ng 93rd NCAA women’s volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

volleyball copy

Nagtumpok ng pinagsamang 31 puntos, tampok ang 22 atake sina Cindy Imbo at Maria Lourdes Clemente, para sandigan ang Lady Altas sa ikapitong panalo sa siyam na laro at muling makabalik sa Final Four matapos bigong kampanya sa nakalipas na season.

Nag-ambag si Shola Alvarez ng match-high 23 puntos, kabilang ang 16 spikes, apat na service aces at tatlong blocks.

‘Pasko para sa lahat’ PDLs, may Christmas wishlist ngayong Pasko!

“I’m so happy for myself and the team because we will get to play in the Final Four for the very first time,” pahayag ni Alvarez, kandidato para sa MVP awards.

Bunsod ng panalo, awtomatikong umusad sa semifinals ang Perpetual Help at JRU.

Makakaharap ng Perpetual at JRU sa Final Four match up ang No. 2 San Beda at top seed Arellano U, ang defending champion, ayon sa pagkakasunod.

Natapos ang elimination na tabla ang Arellano at San Beda na may parehong 8-1 karta, ngunit nakuha ng lady Chiefs ang No.1 spot bunsod nang mas mataas na iskor sa tiebreak.