Ni NORA CALDERON

PINAGTIISAN ni Kris Bernal ang ilang damit na natira sa kanya pagdating niya ng Iceland para sa one week vacation niya.

Kris sa Iceland copy

Nag-post sa Instagram si Kris ng: “The sad news is my other luggage didn’t make it to our Icelandic destination. It has my snow boots and other base layers. Super hassle! The feeling like I have to make the most out of the clothes left with me, and it’s not enough to survive a-4 degrees C weather! Anyway, my cozy home lightened my mood a little!”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero hindi nakapigil iyon para lumabas at suungin ni Kris ang pagbagsak ng snow. Sa IG story niya, bumili raw siya ng winter boots, pero hindi nakasapat iyon para mainitan ang paa niya dahil pinasukan ito ng snow at nagtubig.

Tuloy din si Kris sa pamamasyal sa iba’t ibang restaurant at hindi siya nagsawang kumain nang kumain doon. Sigurado, pinag-aaralan niya ang mga kinakain niya doon para pagbalik, kung maaari’y idagdag mag-introduce ng mga bago sa kanyang food business.

Nag-post si Kris ng the best hotdog doon, mayroon ding horse tenderloin at iba’ibang klase ng tinapay na hilig pala niyang kainin, grilled rack of lamb, at 27 day dry aged ribeye. Wala rin siyang pakialam na kahit napakalamig, kumain pa rin siya ng famous ice cream. Gumawa kaya si Kris ng version ng mga ito sa kanyang Seoul Meat restaurant?

Sana ay maging successful si Kris na makita ang Aurora Borealis o northern lights na nagpapakita ng mga reddish at greenish lights sa kalangitan ng Iceland na magandang panoorin, kaya iyon naging dream destination niya – kasama ang kanyang boyfriend na hindi pa niya pinapangalanan.

Hindi nakalimot si Kris na ipaalaala ang finale episode ng kanyang afternoon prime drama series na Impostora bukas, February 9. Huwag daw kaligtaang alamin kung sino ang mananalo, ang masamang si Rosette o mabait na si Nimfa, na pareho niyang ginagampanan.

Matatapos na ang Impostora pero parang nananaig pa rin ang kasamaan ni Rosette. Kasama pa rin ni Kris ang asawa niyang si Rafael Rosell as Homer, at sina Assunta de Rossi, Sheryl Cruz, at Marc Abaya. Mapapanood ito pagkatapos ng Ika-6 Na Utos sa GMA-7.