Ni Leandro Alborote

LA PAZ, Tarlac - Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang isang cashier na umano’y tumangay sa kinita ng pinagtatrabahuhan nito sa La Paz, Tarlac, nitong Martes ng umaga.

Sinabi ng pulisya na hindi na nagpapakita si Ian Vincent Mendoza, 20, ng Barangay Poblacion 4, Moncada, sa pinapasukang Jerome/Alma de Luna trading company.

Sa reklamo ng negosyanteng si Alma de Luna, 51, may asawa, ng Bgy. San Jose, dakong 12:30 ng tanghali ang magtungo sa kanilang kumpanya ang isa nilang kliyente at nagbigay kay Mendoza ng down payment para sa piggery equipment na bibilhin nito.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Gayunman, hindi na umano ni-remit ni Mendoza ang kita nila, kabilang na ang nabanggit na down payment, at hinalang itinakas ito, tangay pa ang mamahaling cell phone ng anak ni de Luna.