Ni MARIO B. CASAYURAN

NASA katauhan ni International Boxing Federation (IBF) super-flyweight champion Jerwin Ancajas na maging ‘big star’ sa sports.

Ngunit, kailangan niyang dagdagan ang bilis upang tumatagal sa pedestal.

“Kailangan niyang maging ‘’super fast,’’ pahayag ni boxing icon Sen. Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa panayam ng Manila Bulletin/Balita.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa edad na 26-anyos, napanatili ni Ancajas ang korona nang pabagsakin sa ika-10 round si Mexican challenger Israel Gonzales nitong Linggo sa American Bank Center sa Corpus Christi, Texas.

‘’I support him. I see his potential, he has talent, a humble man, di mayabang (not vain), magaling (he is good), malakas (strong),’’ sambit ni Pacquiao.

‘’Yes, that is what I see in him. I told him to pray to the Lord. The more he becomes successful, the more he should be humble,’’ aniya.

Sa panayam ni Manila Bulletin sportswriter Nick Giongco, ipinahayag ng trainer ni Ancajas na si Joven Jimenez na pinahanga sila ni Ancajas.

Sa rating na 10, ibinigay ni Jimenez ang iskor na 7.

Inilarawan niya ang laban nito na ‘’a bit slow and not as aggressive in defending the IBF super flyweight for the fourth time.

Iginiit ni Pacquiao, chairman ng Senate sports committee, na regula niyang kinakausap si Ancajas. ‘’I talk to him before and after the fight.’’

Makakaya kaya ni Ancajas na mapantayan ang walong dibisyon na titulong nakamit niya”?

‘’I cannot say. Eight divisions is difficult to attain. The history of boxing is six,’’ pahayag ni Pacman.

Ipinahayag niyang ang lahat ng biyaya at tagumpay niya ay kaloob ng Maykapal.

Nagsimula ang career ni Pacquiao bilang flyweight at umangat ng umangat para madomina ang walong dibisyon.

Taliwas kay Ancajas na mas mabigay bilang junior bantam weight.

‘’Keep up the good work. Stay humble. Pray to God,’’ payo ni Pacquiao kay Ancajas.