Ni Jun Fabon

Inihayag nitong Martes ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Commission on Elections (Comelec) na tuloy na at wala nang atrasan ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Election sa Mayo 14, 2018.

Ayon kay DILG OIC Secretary Eduardo Año, tinawag na “Matino, Mahusay, at Maaasahang” Barangay at SK Officials polls, upang himukin ang publiko na ihalal ang pinakamagagaling na lider.

Kinumpirma rin ni James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na tuloy na tuloy na ang eleksiyon sa Mayo 14.

National

'Carina,' patuloy sa paglakas; Signal No. 2, nakataas sa Batanes