Ni ADOR SALUTA

INIULAT ng TV Patrol na nakalabas na si Vice Ganda sa ospital pagkatapos ma-confince dahil sa abdominal pains at na-detect na may kidney stones. 

Vice copy

Nagbigay ng pahayag ang kapatid ni Vice na si Dra. Tina Viceral tungkol sa kanyang kundisyon. Ayon sa manggagamot, nagkaroon ng ureteral colic si Vice kaya nabarahan ang kidney at urinary bladder. Dahil dito, hindi makaihi si Vice.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Ito ang kanyang official statement: “Vice had ureteral colic, a condition when a stone from a kidney falls and gets stuck in the tube connecting the kidney to the urinary bladder. Urine could not pass, resulting in a pressure buildup in the kidney thus the pain.”

Dapat daw ay shockwave treatment lang ang gagawin pero minarapat ng espesyalista na lagyan ng stent si Vice para makalabas ng ihi. Lulusawin na lang diumano ng gamot ang kidney stones.

Nagpapasalamat din ang kapatid ni Vice sa lahat na nagdasal para sa paggaling ng unkaboggable star. Umaasa ang madlang pipol na makakabalik sa programang It’s Showtime si Vice kapag nakaramdam na ng ginhawa.