Ni NORA CALDERON

MARAMI ang naninira kay Maine Mendoza sa social media, may issue man o wala. Kaya marami ang nagtataka kung bakit hindi basta bashings lang ang natatanggap ng dalaga kundi parang sinasadya. 

MAINE copy

Kahit nananahimik si Maine at maging nang mag-deactivate na ng Twitter account na kamakailan lang niya ibinalik, tuloy ang paninira sa kanya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagkaroon ng kasagutan ang pagtataka ng maraming fans niya nang nang kumalat ang screen shot ng conversation sa Twitter na si Maine ang diretsahang tinutukoy para siraan sa social at may bayad!

Nakakuha kami ng kopya ng conversation, at naririto ang isang bahagi:

“Hello! Are you willing to be paid per hour? Just post negative tweets about Maine Mendoza. PM if you agree. I will connect you to our financer.”

Burado ang name ng sumagot na willing siya at kung sino ang financier.

“You’ll know him soon. Mode of payment transfer: Paypal Cons.ph Paymaya. Do you have any? Do you have email address?

Our team will email you of the terms.”

Hindi namin binanggit ang names sa conversation, pero natanong namin si Rams David, ang manager ni Maine, na umamin na may ganoon ngang move o operation dahil nakarating na rin ito sa kanila. 

Nalulungkot si Rams na may mga taong nakakaisip manira at may mga taong tatanggap ng pera para makapanira.

“Naipadala na namin ito sa legal team ng Triple A management para bigyan ng warning ang mga nag-iisip ng masamang plano na siraan si Maine,” sabi ni Rams.