Ni Liezle Basa Inigo

NAGLAAN ng kabuuang P23,373,420.00M pondo mula sa Special Education Fund (SEF) ang pamunuan ni Gobernador Manuel N. Mamba para sa mga delegado ng Cagayan na sasabak sa Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet sa Pebrero 24-28.

Sinabi ni Clarita A. Lunas, Education Consultant ng Gobernador, na bubuuin ng 874 katao kabilang ang athletes, coaches, chaperons, at iba pang government officials ang delegado ng lalawigan ng Cagayan.

Ayon kay Lunas, ang pondo ay gagamitin sa pagsasanay ng mga atleta, subsistence allowance, athletic uniforms, athletic equipment, insentibo, at iba pang allowances.

May cash incentives din; Karl Eldrew Yulo, tumanggap ng ₱500K mula kay Chavit!

Inahahand rin ang Search for Mr. and Mrs CAVRAA 2018 at Dance Sport Competition na magsisilbing highlight ng pagdiriwang.

Ang paglalaan ng mas malaking pondo ngayong taon ay para mas pag-igihan pa ng mga atleta ang paghasa sa kanilang galing at mapanatili ang pagiging champion ng lalawigan ng Cagayan.