Ni Nitz Miralles

SA latest post ni Kris Bernal, nasa Gatwick Airport sa London na siya at ng kanyang kasama at konting kembot na lang daw, nasa Iceland na sila. May pa-hastag na #IcelceKB si Kris sa trip niyang ito. 

Kris B copy

Ang “Icel” ay para sa Iceland, ang “Ce” ay para yata sa name ng boyfriend niya, at ang “KB” ay Kris Bernal.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

“Wish me clear skies and the Aurora Borealis to show up,” wish ni Kris at hindi nakalimutang i-promote ang two remaining days ngImpostora na magtatapos na sa Friday. Pinaka-highlight ng finale ang face-off nina Nimfa at Rosette na parehong ginagampanan ni Kris.

Hindi sinagot ni Kris ang tanong ng followers niya kung sino ang kumukuha ng pictures niya sa Iceland vacation niya.

Hindi niya masabing BF niya, pero nabanggit niya sa reporter na nakita sa Rustan’s Gateway na ang guy na kasama niya na nagsa-shopping ang kasama niya sa Iceland.