DANGAL at karangalan para sa sambayanan.

Tinanghal na kauna-unahang opisyal mula sa Pilipinas at sa Asya sa kabuuan si Stephan “Macky” Carapiet na ma-reelect bilang pangulo ng FIM (Fédération Internationale de Motocyclisme or International Motorcycling Federation)- Asia.

carapiet copy

Muling ipinagkatiwala kay Carapiet ang responsibilidad na pamunuan ang pederasyon sa isinagawang 2017 FIM Asia General Assembly and Elections nitong Pebrero 3 sa Bangkok, Thailand.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Host ang Thailand’s motorcycle federation (FMSCT) sa naturang okasyon.

Kinatawan ni Carapiet ang National Motorcycle Sports Safety Association (ang tanging Philippine motorcycle federation sa bansa). Nakatanggap si Carapiet ng 18 boto mula sa 27 miyembro upang muling maihalal na pinuno ng FIM-Asia.

Pinalitan niya si Wan Zaharuddin Wan Ahmad (AAM-Malaysia) na nahalal at pumalit sa kanya sa 2013 FIM Asia General Assembly and Elections sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ikinalugod ni Carapiet ang ibinigay na tiwala nang mga miyembro at nanganko na makikipagtulungan sa bawat isa at sa lahat ng stakeholders ng motor sports upang mapanatili ang tagumpay ng sports at maitaas ang antas at kalidad ng mga torneo.

Handa rin siyang makipagtulungan sa kapwa naihalal na opisyal na sina Issa Alawadhi (BMF-Bahrain), Sujith Kumar (FMSCT-India), Gong Hong Guo (CMSA-China) at Stanley Yasuhiro (GMAC-Guam, USA ).

“This is a powerhouse line-up of my team,” pahayag ni Carapiet. “We’ve got a VP who will look after the issues and interest of our brothers from the Middle East, VPs from India and China, who will address the motorcycling concerns of two nations whose combined populations comprise more than half of the global total and a VP from Guam who will promote the American ideals in sporting, safety and the environment which covers half the world geographically.”

Bilang lider ng Asya, awtomatikongmiyembro si Carapiet ng makapangyarihang world governing body for motorcycle sports and affairs, ang FIM Suisse Board of Directors.

Muli, sentro ng operasyon ng motor sports ang Manila sa pagkakabalik ni Carapiet sa liderato.

Para sa karagdagang detalye hingil sa mga programa ng National Motorcycle Sports and Safety Association, bisitahin ang Facebook page ng pederasyon.