Ni Reggee Bonoan
CHIKADORA (pahiram Ms. Laila) ang kilalang aktor na nu’ng makita ang dalawang TV executive na konektado sa isang movie outfit ay sinabihan niya ng, “O, gawa tayo ng pelikula, sabihin n’yo sa _____ (movie producer), anytime puwede ako.”
Napatingin tuloy kami sa dalawang kausap ng kilalang aktor para makiramdam kung totohanan o kiyemihan lang niya ang sinabi niya. Noong alukin kasi siyang gumawa ng pelikula at pumayag siya, agad nang plinantsa ang pre-production pero bigla siyang nag-back out at kung anu-ano ang idinahilan. Naloka ang producer at ang production team.
Mabuti na lang, may nakahandang iba na agad inayos para sa ibang cast. Kung hindi, sayang ang momentum at pag-iipon ng crew and staff ng production. Laking pasasalamat ng buong team dahil blockbuster ang nasabing project.
Usap-usapan tuloy na kung ang kilalang aktor pa rin ang isa sa cast, e, baka hindi naman ganu’n kalaki ang kita dahil hindi naman na rin siya mabenta.
Heto nga’t guest siya sa isang show, hindi na naman natuloy.
“Jinx kasi siya,” say ng katotong nakasama ng kilalang aktor.
Handa nang gumawa ng pelikula ang aktor, pero ang tanong ay kung handa ba naman sa kanya ang production company.