Ni Dave M. Veridiano, E.E.

MALAKING palaisipan sa akin ang “hiwaga” ng naglipanang mga banyagang Tsino, Hapon at mga Koreano sa mga condominium sa Metro Manila.

Kaya ‘di ko inakalang sa kagustuhan kong malaman kung ano ang SOURCE ng kanilang income para sa mahabang PAGBABAKASYON -- kung bakasyon ngang matatawag ang pagtira nila nang matagal dito sa bansa – ang magbibigay kaalaman sa akin na may INDUSTRIYA palang BILYONES ang perang ipinapasok sa bansa, na ‘di naman napupunta sa kaban ng bayan.

Ang sagot sa “hiwaga” ay nabasa ko sa 14 na pahinang dokumentong may pamagat na “SPECIAL INVESTIGATIVE REPORT on The Anatomy of Online Gaming” – ang industriya sa bansa na kung tawagin ay ONLINE GAMBLING.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Ang report ay isinulat ni Retired Police Chief Superintendent Wally Sombero na noong aktibong pulis pa ay isa sa nakilala kong matikas at masipag na operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at isang “Dangal ng Bayan Awardee”. Pagkaretiro, pinasok niya ang mundo ng NUMBER GAMES at nagpakadalubhasa rito sa iba’t ibang lugar sa buong mundo.

Napasok sa kontrobersiya si Sombero nitong nakaraang taon, nang lumutang siya sa pagkakaaresto ng 1,700 na Tsino na umano’y tauhan ng ONLINE GAMBLING sa Fontana Resort sa Pampanga. Kasama siya sa mga nakasuhan dito – hindi ko na tatalakayin ang kaso na ano mang oras o araw ay maaari nang lumabas ang “warrant of arrest” nito laban sa kanya.

Binigyan ako ni Sombero ng report, na sinaliksik niya umano ng mahigit 10 taon dito at sa ibang bansa, na nagpapakita na may isang tagong INDUSTRIYA na kayang saluhin ang halos taun-taon na BUDGET DEFICIT ng pamahalaan…BILYONES umano ang ipinapasok nito ngunit kakarimpot lamang ang napupunta sa kaban ng bayan!

Ayon sa report, may 250,000 na ang mga EXPATS sa bansa. At ang kinikita nila ay galing sa INDUSTRIYA na karaniwan ng tinatawag na ONLINE GAMBLING…Ayon kay Sombero, maling katawagan ito dahil walang “tayaan at bayaran” na nagaganap dito sa bansa sa negosyong ito. Bagkus, simpleng MARKETING lang, gaya ng karaniwang ginagawa ng mga kababayan nating mga nagtatrabaho sa mga CALL CENTER sa buong bansa…Isang uri lamang ito na dapat isama sa mga tinatawag na IT-BPO Support Service providers na malagong industriya na sa bansa.

Mga EXPAT ang trabahador sa industriyang ito dahil karamihan sa mga online COSTUMER nito ay mga Tsino, Hapon at Koreano na nasa iba-ibang lugar sa buong mundo na hindi rin nakakaintindi ng ibang wika.

Ang produkto – mga MECHANICS ng ONLINE GAMING na gusto nilang salihan o laruin…ito lang ang nagaganap sa Pilipinas, kung meron mang tayaan at bayaran sa mga nilalaro ng mga ONLINE GAMERS ay sa mga bangko ito sa ibang bansa at hindi rito.

Dito papasok ang simpleng COMPUTATION kung paano kumikita at nawawalan ng BILYONES ang kaban ng bayan…Ang bawat EXPAT para makapasok at magtagal sa bansa ay kailangang magkaroon ng WORKING PERMIT na “good for one year” lang – at ang kalakalan umano sa ngayon ay P70,000 kada ulo!

Kung totoong abot na sa 250,000 ang EXPAT sa bansa sa ngayon, gamit ang calculator sa inyong smart phone, i-multiply ang 250,000 sa 70,000 – nakagugulat ba ang resulta? Sa dami ng ZERO na lumabas sa cellphone, medyo mahirap basahin kung magkano o gaano karami ang resulta…P1.75 Bilyon!

Nasaan na ang BILYONES na ito? Marami pang ibang malilikom na gaya nito, kaugnay sa negosyong nabanggit, ang aking tatalakayin sa susunod na bahagi!

Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]